I am Lost...

Show me the Way...



i am
raymond.
ryan.
rai.
rhay.
mon.
munching.
munch.
ano pa ba?!


Know more about The Wanderer.


You have been wandering here for:

seconds already!!
   

<< May 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31

Some other souls wander, too:
Kareen
Kel
Joycee
Jaja
Olga
Dacs
Ron
Kidjie
Amiel
Myra
Kay
Janixia
Mhei
Ran
Camille
Chyna
Andre
Jhenskie
Aurora
Marlo
Darl

The following have helped The Wanderer in his journey...

JavaScriptKit
Singingfool
SaveFile
Photobucket
Myspace's Mac
Friendster
Blogdrive Designs


"Anu'ng Meron?!"




rss feed




Monday, May 08, 2006
new domain

grabe, kulang ang oras, at kulang ang lakas.

 

tinatamad na akong mag-update dito kahit copy-paste lang naman dapat mula sa eljay account ko.

 

so ayun po mga kaibigan, kung interesado pa kayo sa mga pangyayari sa buhay ko, duon na lang kyo makisilip sa eljay account ko.

discover THIS BOY'S LIFE.

 

nga pala, minsan may mga private entries akong pinupost dun. kaya, open na lang din kayo ng eljay account. tas add nyo ako. haha. iyun e kung gusto nyo lang namang mabasa pati ung mga private entries.

 

goodbye, blogdrive!!


Friday, March 31, 2006
Sem-ender

officially, tapos na ang sem ko. wala nang aalalahanin pa, yay!

OJT na kami this summer. i'm considering Lingap Pangkabataan Foundation, sa Cubao. mukha kasing di sya pag-aagawan ng mga kapwa ko mag-OJT. kaya dun kami ni pache. haha. saka gusto rin naman namin ang mga ganung kaekekan. haha. di ba pache? (kung binabasa mo man ito?) or pwede rin siguro sa Ibon Foundation. pero baka haggard sila magpa-intern.. (haha, ang tamad ko talaga.) saka, kanya-kanyang application dun, eh. ayoko nang mahassle pa. (yaak, ang tamad talaga. haha..) inaaya din ako ni bevs sa NEDA. exciting daw. ewan, siguro. basta pagtading ng enlistment, kung ano ang pumasok sa utak ko, at kung ano pa ang available, un na lang. haha. (tamaaad!!)

inuman kami kahapon nina Joyce, Pache, Monique at new-found darling Lea. (post ko na lang ung pics, di ko na-save sa usb,eh.) haha, drews, kami ang unang customers. actually sarado pa sila nung pumunta kami, kaya kain muna sa wok dis way. haha.

apat na litro lahat ng nainom namin, grabe. isang plate ng chicken ekek at kropek. yaw! after nun, sundae at soup sa jollibee. tas kape at noodles at chips sa unit ko. haha. konting text-text. tas, tulog na. ngyak!

kanina pala, sinamahan ko si bevs sa quiapo para kunin ang mga pinaframe nilang cross stitch at papyrus drawings. ayun, ang bigat. kaya hinatid ko na rin sya sa sakayan ng bus pauwing laguna. grabe, first time ko dun sa buendia na un. usapan namin ni bevs, turuan nya ako kung paano uuwi. (sya nga raw pala ang taong hindi naliligaw sa maynila.) e paalis na ng bus, kaya hindi na nya na-explain kung paano ako makakauwi. o papuntang ayala sana, para pumunta sa glorietta.

ayun, naiwan ako mag-isa. 16 pesos na lang laman ng coin purse ko, wala akong makitang atm. tas patay na phone ko. disaster. hinamon ko ang sarili ko, kailangan kong umabot sa ayala nang hindi nagtatanong o hindi nag-wiwithdraw. haha. sakay ako ng jeep, ewan ko kung saan un papunta. risk na lang talaga. nagbayad ako, six pesos. estudyante. ayokong ibigay yung 10 pesos kasi baka tanungin ako kung saan ako bababa, e hindi ko alam ang isasagot ko. haha. bahala sya, hindi ko alam kung 6pesos lang ba talaga dapat ung ibinayad ko, ang layo nung inabot ko, eh. haha.

tas biglang nag-decide akong bumaba nung may makita akong bpi express teller. pagkatapos kong magwithdraw, minamasdan ko pa ang paligid, tinatantya kung nasaan na ba ako. bel-air plaza sabi nung sign. di ko naman alam kung saang lupalop un ng maynila nakasituate. lingon, tas lingon ulit. tas tingala. nakita ko, Makati Hotel something. edi nasa makati na ako? yey!

at habang pinaplano ko kung saan ako pupunta, biglang may sumigaw na ale. nakita ko ung isang lalaki, inaagaw ung bag niya. tas may isa pang babae na tinutulungan ung ale na labanan ung lalaki. pinapanood lang sila ng mga tao, grabe. buti medyo malayu-layo ako, di masyadong nakaka-guilty, hehe. tas lumapit ung sekyu nung isang building. sabi nung mamang snatcher, "Teka boss, 'wag kang makialam, asawa ko to, eh. aayusin namin to mag-isa. nasa labas naman kami ng building mo." obviously nagsisinungaling sya! sumisigaw ung ale,e. ung sekyu naman, nakatanga lang. tas nagpumiglas ung ale, nahatak nung isang babae ung bag nya, tas napaupo ung ale sa sidewalk. ung mamang snatcher naman, dinukot ang bulsa nung ale at nakuha nya ung phone. biglang tili to the max si ale. sagot naman nung mama, "Bakit kasi ayaw mo pang ipahiram e cellphone ko din naman to?!" sigaw pa rin ng sigaw ung ale, naglakad naman palayo ung mamang snatcher. kaswalan lang. tas nung medyo ilang metro na ang layo, biglang tumakbo. saka pa lang hinabol nung tangang sekyu. edi nakatakas syempre. tas bulungan ang mga tao. tas nilapitan nung isang dignified mama ung sekyu, sabi nya, "Nakakahiya ka, kung may isa man lang sa atin dito na nakatulong sana sa kanya, ikaw un dahil armado ka." naglakad na lang papasok ulit sa building ung sekyu. naawa naman daw ako. pero tanga naman kasi talaga. tsktsk.

after much walking and sight-seeing na rin, nakarating din ako sa ayala. haha. tas naalala ko ang childhood dream ko na magtrabaho at tumira sa mga matataas na buildings ng makati. medyo pinili ko pa kung alin ang pinakamagandang design. haha. tas nakarating na rin sa glorietta. pero ilang minuto na lang magsasara na rin sila. tsktsk. sayang lang ang punta ko dun. edi kumain na muna. haha, ipinagdiwang ko mag-isa ang pagtatapos ng sem na ito. yahow!

uuwi na ako bukas. pero naalala ko, kailangan ko pa lang mag-check-out muna sa yakal. yikes, magkano kaya ang mga naipon kong utang doon? sana di na nila ako singlin pa sa tubig na hindi ko na naman iniinom. haay..

tas kanina, habang naglalakad ako mula rustan's papunta dito sa condo, nakasalubong ko si Sir Danton Remoto. na-starstruck naman daw ako, as in napatigil ako sa paglalakad. nung tumingin sya sa akin, saka pa lang ako nakalakad ulit. haha.. i'm such a fan. haha.. ngyak.

"I usually don't subscribe to unrequited love. but i am content with liking, wanting and loving you. whether you reciprocate it or not it doesn't matter. i like you, i just do. and i admire you for not changing after all. thank you."

Uwian nah!!


The Wanderer left this trace at 11:41 pm
blurt it out and  

Wednesday, March 29, 2006
gatas

natapos ko na rin ang socio114 institution analysis ko. grabe, cram to the max na naman kami ni Jenna. wala na talagang nagbago.

pagkatapos magsubmit, kain kami sa cello's. haha. kailangan ko sya ilibre. saka, gusto ko rin. ang sarap ng pakiramdam na may nakakausap kang nakakaintindi sa 'yo. tipong walang pagpapanggap. wala kang kailangan itago. grabe, malaking pasalamat ko na ipinanganak ako sa tamang panahon para makilala ko silang mga kaibigan ko. kayo na lang siguro ang natitirang mabuting bagay na nangyari sa akin sa buong tatlong taon ko sa UP. maraming salamat at mahal ko kayong lahat!

wala na akong kailangang gawin. actually meron pa rin. ung 165 paper namin. class output. bukas pa kami magplano ng gagawin. kaya baka friday pa ako makauwi sa pampanga. lampas isang buwan din pala akong hindi nakauwi.

darating na nanay ko. ang dami kong planong gawin. ang daming gustong sabihin sa kanya. lalu na't alam kong matagal bago ang susunod nyang pag-uwi. grabe.

maglalaro na lang ako ng The Sims2 buong gabi. naubusan na rin ako ng pelikulang panonoorin. ayoko namang mag-rent pa.

bukas bibili ako ng aquarium. haha. ung maliit lang. para lang naman may makausap ako kapag kailangan ko ng kausap at mag-isa lang ako.

sa wakas ay magkakaroon na ako ng pagkakataong asikasuhin itong unit. maliligpit na rin ang lahat ng kung anu-anong nasa mesa ko. malilinis ko na ang cabinet ko. pwede ko nang itali lahat ng readings na hindi ko rin naman masyado nagamit. maisasabit ko na rin ulit ang mga naglalagang mga bagay dito. maipapalaba ko na sa wakas ang mga labahan ko. mababasa ko na rin ang feb issue ng men's health na binili ko pero hindi ko pa rin naman nabubuklat. pati ung 600+ php novel na binili ko impulsively last month din ata.

sabi ni joyce iinom kami ngayong gabi. di naman sya nagtext,eh. kating-kati pa naman lalamunan ko. grabe, di ako makapaniwalang uminom kami ng gatas ni Jenna sa cello's kanina. puro kape na lang ata ang laman ng sikmura ko mula nung lunes. at naubos namin ang anim na donuts. tas kagabi, first time ko sa seattle's best coffee. oo, first timer. walang ganun sa bukid namin,eh.

kanina sa pag-uusap namin ni Jenna, ang dami kong narealize. mga bagay na ayokong aminin sa sarili ko. mga bagay na naiisip ko pero pinipili kong hindi pansinin. pero kanina, naisip ko rin, wala naman akong ibang niloloko, sarili ko lang din.

sawa na akong maghintay. sawa na rin akong manlimos.

kung wala, edi wala. kung meron, asan na? kung hindi ngayon, kelan?

maybe i'm trying too much to meet what others expect from me.

maybe i'm trying to be somone i am not.

bakit ba ako nakikipagsabayan? we don't belong in the same circle.

i want my old life back.

i know i wanted this. i thought it would make me happy. turns out, i wanted the wrong things.

sometimes we mistake happiness for love.

"Paano pala kung hindi naman kita talagang mahal? ... paano kung masaya lang pala tayo magkasama?"

"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo lang. Huwag kang manghinayang. magagawa pa rin naman natin ang mga ito kahit hindi tayo."

mag-iisang taon na. hindi ko alam kung nanghihinayang ba ako o hindi. hindi ako sigurado. pero masaya na rin naman ako - para sa kanya at para sa akin na rin.

"Napakaself-centered mo. i never knew anyone as selfish as you are!"

"Is that how ou take it? i just, i just..."

four years ago. gahd.

maybe i'm just not good at letting go.

maybe i'm not good at anything at all.

"i was never thrilled by anyone 'til you."

"It's your choice. whatever it is, it will have a lifetime implication on you."

"Ayokong mainvolve sa isang relationship nang dahil lang sa kilig."

i want to love for the right reason.

love needs no reason. love is the reason itself.

sometimes love is just not enough.

one way ticket to the world.

you don't always get what you want.

you give up things to get better ones.

if you want to get different results, do different things.

You're just not prepared. i understand.

maybe i just need someone outside our circle. our block, the org and our studies just coincide so much. wala kang ibang masasabihan.

He serves that purpose for me.

I wandered. Now I'm Lost.


Tuesday, March 28, 2006
empt

natapos ko nga pala ang aking socio114 final paper. grabeh, 16 pages inabot. pero double space naman kasi. pero kahit na, hindi ko rin inisip naaabot ako ng ganun karami. to think na overnight ko lang binasa lahat ng readings. buong lunes din akong di lumabas ng bahay dahil tinapos ko sya. lumabas lang ako para magsubmit. dala-dala si trino (laptop ko), binalak kong mag-wifi sa mainlib. pero wala akong napala. tas nagsimba na rin. pagpapasalamat na malapit nang matapos ang parusang sem na ito.

matapos iyon, dinner kami ni Joyce. isang malaking bagay para sa akin. bati na ulit kami. at aminado ako, sobrang na-miss ko sya. buti na lang din at nagng busy nang sobra sa acads at org. wala na masyadong oras na natira para maramdaman ko ang kapalit ng ginawa ko.

buong gabi, nuod lang ng butterfly effect, matilda at anim na episodes ng Lost. grabe ung butterfly effect. ang sakit sa ulo. leche. buti pa ung matilda, patawa. pantanggal pagod.

now i need some season two episodes of lost.

maghapon akong di lumabas ng unit. ngayon lang talaga, at alas-onse na. grabe. wala din masyado ka-text. basta nuod lang ng tv, ng natitirang season1 episodes ng lost. pinanuod ko na rin ung dvd ng concert ni josh groban sa the greek. pinatulan ko na rin ung simpsons na ginamit namin sa comm141 report. grabe.

pumunta dito sina kitty at joyce kanina. nagprint lang ng paper. tas ayun, mga masasamang balita.

ang pangit talaga ng pakiramdam na bigla ka na lang nade-depress. at mas masakit, hindi mo alam kung bakit. grabe, ako lang ba talaga o lahat tayo ganito? bigla kasi akong nawawala sa mood maisip, makita, marinig o maalala ko lang ang kahit napakaliit na bagay. at madalas nga, hindi ko na nalalaman kung anu ung maliit na bagay na nagpapa-depress sa akin. grabe, anu kaya ito? nakamamatay ba to?

habang pinipilit isipin kung ano ang nagpa-depress sa akin kanina, nakatulog ako,. paggising ko, wala na sina kitty at joyce. pero ung ill feeling, andun pa rin. grabe.

tinitext ako ni pam. nasa seattle's sila ngayun nina bevs at aris. sa pagkakaalam ko, may exam si pam sa CR175 bukas. at may isasubmit akong paper bukas din. ito na siguro ang huli kong alalahanin ngayong sem.

cge, puntahan ko na sila.. bahala na.

kailangan ko lang talaga ng makakausap siguro.

The Wanderer left this trace at 10:49 pm
blurt it out and  

Sunday, March 26, 2006
ako


ColorQuiz.com raii!! took the free ColorQuiz.com personality test!

"Seeks the determination and elasticity of will nec..."


Click here to read the rest of the results.




wala lang, natripan lang. ginawa ko na rin to kahapon, pero iba ung lumabas ngayung inulit ko. tsktsk. pero mas gusto ko ata ung results nito? hehe..

tingin ko, kung di mo rin naman pipiliting alalahanin ung sequence ng color choice mo sa previous mong pagsagot dito, nagiging reflective ang results sa actual persona mo, AT TH MOMENT. hehe, ewan. konklusyon ko lang. haha..

natawa naman ako dun sa restrained characteristics ko. haha. i must admit, totoo un. wehehehe..

this just describes me as: KSP, maniac, loveless and egoistic. haha..

The Wanderer left this trace at 11:56 pm
blurt it out and  

crunchtime

i have to finish my socio101 take home exam tonight or tomorrow before lunch. i have just started reading the materials. and i don't think they're sufficient. gahd. what did i do with all the 5 days that had passed? now i'm here searching for materials online. and i can't seem to find anything relevant or usable. tsktsk.

and on wednesday, i would need to pass an institutional analysis. thanks so much to my commres170 groupmates for letting me use the La Mesa Ecopark. but honestly, i am soo not guiltless about it. it's just unfair, i know. especially to jenna dear. but as someone told me, in times like this, we need to grab all the oppotunity that's within reach. i won't forgive myself if i do this again. no, there will be no next time. swear.

it's just that this semester is a big mistake. i should've pursued the idea of LOA-ing this sem. tsktsk. three more days and this nightmare is over.

btw, the only good news for the day: my brother passed the FEU entrance test. yay!

the bad news: he's definitely staying with me here in katipunan. tsktsk. hehe..

The Wanderer left this trace at 11:52 pm
blurt it out and  

Friday, March 24, 2006
celebration

just a little while ago, i was so depressed. i haven't spoken to anyone for 6 hours already.
then i saw this thing. yeah. it made my day.
then when i logged in to friendster, this horoscope:

Aries
The Bottom Line
Your drive for success will take you very far today, so don't be meek or mild.

In Detail
A certain friend has been on your case pretty hard lately, so you've been toeing the line, doing everything just right and forcing yourself to even prove yourself to them -- without even being asked. Basically, you've been very, very good -- but now it's time to let go and expect something in return. You know how you are, and how you've always been: Stress is just a way of life. Give yourself a break tonight and chill out. You can be tense tomorrow.


yahaha, I'm soo having coffee or ice cream tonight before i go up to my unit. hehe..

Thursday, March 23, 2006
gusto

  1. gusto kong matulog nang matagal.
  2. gusto ko matutong lumangoy. paturo naman.
  3. gusto ko ng Paulo Coelho collection. whew.
  4. gusto kong magbasa ng libro this summer. Coelho, kundera o marquez.
  5. gusto kong matutong gumawa ng artsy fartsy stuff. paturo.
  6. gusto kong matutong magluto. yum.
  7. gusto ko ng ref sa unit. mahal kasi,eh.
  8. gusto ko ng bagong tirahan. ayoko na dito.
  9. gusto ko nang umuwi sa amin. nakaka-miss.
  10. gusto ko magparty sa libis o malate. bago mag-OJT. yeah!
  11. gusto ko ng bagong tsinelas.*wink*
  12. gusto kong kumain ulit sa superbowl. yum.
  13. gusto ko matuto ng flash, photoshop at powerpoint techniques. magagait ko yun. paturo naman.
  14. gusto ko ng lovelife. *sigh*
  15. gusto kong magbakasyon sa cebu. o sa palawan. magkano ba?
  16. gusto ko sumali sa isang religious org. mas okay sana kung catholic.
  17. gusto ko umakyat ulit sa mga bundok. pulag at pangarap kong halcon.
  18. gusto ko pumunta sa London. now na.
  19. gusto ko ng magandang thesis topic. suggest naman kayo.
  20. gusto kong lumipad, lumayo at maglaho..

The Wanderer left this trace at 10:02 pm
blurt it out and  

Tuesday, March 21, 2006
hell

  1. Finally submitted our CommRes170 Campaign plan. 15 mins late. sana walang deduction sa grade.
  2. Finally had time to sleep. or was that really sleep?
  3. CommRes 165 public presentation tomorrow SINO SI PED XING? A Study on the Road Safety Awareness and Practices of Elementary Schoolchildren in Public Schools near UP-Diliman 10am-12nn. College of Mass Communication Auditorium. may food. :) nga pala, magpapantalon ako. haha...
  4. Comm141 final exam tomorrow afternoon. i secured reading materials last friday pa. 61Php worth at 0.65php per copy. at di ko pa nabubuksan man lang. tsktsk. batmaaan!!
  5. that exam in physics 10 last saturday was a big, er, trash! 25 points down the drain. ipadiscuss ba naman for 25 points ung isang law na absent ata ako nung pinresent sa class. tsktsk..
  6. voted for the UPM executive board last saturday din. and i realize, i really miss them guys.
  7. while my brother was having his entrance exam in FEU last saturday din, i strolled to quiapo. bought Josh Groban Live at the Greek DVD at hidalgo. also all 40 episodes of Voltes V. haha. i was looking for Daimos, too. mas gusto ko kasi ung kwento nun, may romance. hehe. kaso wala. tsktsk.
  8. haven't been home for the past 3 weeks. feels weird. pero baka tapusin ko na rin ang sem na ito dito until wednesday. para isahang uwi na lang.
  9. my mom will arrive on April 4 morning for my brother's graduation later that day. wheee!!
  10. i am soo attending the CRS sem-ender on april 5-6. we all need to breathe.
  11. Titanic tragedy's 96th anniversary on Apr 15.. ipagdasal natin ung mga biktima..
  12. it's bevie's birthday today. i think it's not that happy. damn acads. still, happy birthday, fwend! luvyah!
  13. i'll be turning 20 exactly 18 days from now. tsktsk.
  14. makes me think, what good have i done in the past 19 years?!
  15. i want lovelife for my birthday!
  16. i remember, while i was jogging last night around the academic oval, i saw this couple seated on one of the benches. they were holding hands. one was caressing the other's arm and face. thing is, they's both males! and both good-looking! bevs, pam and joyce will surely get mad when they here about this. tsktsk..
  17. Lovelife ng UP, dagdagan, dagdagan, 'wag bawasan! Karelasyon, karelasyon, karapatan ng mamamayan!!



officially, this semester is the worst ever! academcis, socials, family matters, org stuff. everything was far from good.


Thursday, March 16, 2006
nobela

unti-unti nang nababawasan ang mga deadlines na kailangan i-beat. unti-unti na akong nakakakita ng kaliwanagan. pero hindi rin, dahil lang siguro ito sa isang biyernes na wala akong nakaschedule na exam, paper o group meeting.

acad sched for the rest of the sem:


  1. Mar 18, 8:30am : Third Long Exam, Physics 10 --> grabe, wala akong ideya kung ano ang scope at lahat-lahat. goodluck na lang sa akin..
  2. Mar 20 5pm: CommRes170, final paper --> wala pa kaming nasisimulan. at wala ata kaming ideya kung paano iyon gagawin.
  3. Mar 22, 9-12: CommRes 165, public presentation --> isang bagay na pinaglaanan namin ng pinakamalaking oras sa aming mga buhay nitong nakaraang mga linggo. ilang gabing puyatan din ba iyon? apat? to think na hindi rin ganoon kalaki ang naitulong ko. mas maraming puyat at pagod pa ang binuwis ng iba.
  4. Mar 22 1-4pm: Comm141, final exam --> eto na naman iyong subject kung saan nakakuha ako ng tres dun sa midterms at sobrang saya ko na. anu kaya this time? haayy..
  5. Mar 29 Socio 114 Institution Analysis --> wala rin akong ideya sa kailangang gawin. inisip kong gawing subject ang La Mesa Ecopark na lang dahil halos ganoon din daw naman ang gagawin tulad nung sa CommRes 170 namin. pero naisip ko, unfair ata iyon kay Jenna na groupmate ko sa 170 pero ibang organization ang gagawan nya ng analysis. torn, torn..



bukod sa mga ito, may ilan pang minor papers na kailangan isubmit next week. kasama na rito ang synthesis para sa repost namin kanina sa socio114, reflection paper para sa report on religion, isang reaction paper/analysis sa animation na nireport din namin kahapon, etc.

samantala, eto naman ang mga so far ay nalampasan ko na:


  1. Socio 101 thinkpiece at Oral Final Exam kahapon. --> okay naman sa tingin ko. sana okay din sa tingin ni neeks (prof ko).
  2. Comm141 Report on Animation --> medyo sumablay ang visuals namin. kinapos kasi sa oras. sayang ung mga movie files na shinoot at inedit pa namin, saka ung audio files na nirecord pa nung madaling araw. tsktsk. buti na lang may firm grasp sina Chris at JB dun sa subject, kaya todo bibo kids.
  3. CommRes 165 second dry run --> dalawa sa blockmates ko ang naiyak. bukod dun, marami na rin ang umiyak prior to the dry-run. grabe, nakakapikon naman kasi talaga ang faculty. pwede naman na mas maayos ang paraan ng pagcomment nila. ang hirap lang kasi, hindi nila matukoy kung ano ang gusto nila. kaya tuloy, hindi namin alam kung sino sa kanila ang paniniwalaan. leche.
  4. Socio 114 Report on Mass Media kanina. --> kamusta naman na natapos ang ppt presentation namin 15mins before magstart ang report? grabe, kunwari nag-overnight ako kina Jenna sa molave kagabi para gawin at tapusin ang report na iyon. but no! sumilip lang ako sandali sa AI sa lobby ng molave, pagbalik ko, tulog si Jenna. nakahiga pa sa bench at gamit ang baon kong unan (na maliit). edi ako rin, bilang wala pa rin akong tulog nun, sukob na lang din sa mesa. at ayun, tulog na. haha. paggising ko, tulog pa rin si Jenna. edi tulog ulit. tatlong beses ata akong nagising. at sa lahat ng pagkakataon, tulog pa si Jenna. kaya ayun, natapos ang gabi nang wala kaming nagagawang report. haha. buti na lang magaling kaming magdala ng report ni Jenna. haha. kwela kung kwela. tawa nang tawa si sir. buhay ang klase. haha..



nga pala, kagabi pagkatapos ng second dry run, inisip ng ilang blockmates ko na bawasan ang load ni Aris the wonderboy. masyado na nga naman syang maraming inaasikaso. balak syang palitan sa pagiging presenter sa public presentation. at, ako ba naman ang piniling ipalit! tsktsk. todo tanggi naman ako. di ko yun kakayanin. kung kaya ko lang why not. sabi ni bevs, confident daw sya sa potential ko sa public speaking. grabe, kamusta naman ang potentials ko? she said i speak well. i say i don't. masyado raw akong nagiging self-critical. fine. she felt sorry daw for me for not maximizng and exploring my potentials. ang akin lang, pwede ko nga siguro ung idevelop through practice. but the 165 presentation is not the right time for practice. sana naiintindihan nila ako. i just can't stand in public. much more speak.

worried na worried ako dati na baka masingko ako sa PE at Socio114 dahil puro absent ako. tas nagreply nga ung prof ko sa socio, i have strong chance daw of passing. wahaha! tas ngayon nagreply naman ung teacher ko sa PE, ok lang daw ung absences, basta tama na raw un. haha. e last day na ung kanina. hehe. grabe, napasali pa ako bigla sa interclass competition. paramihan ng puch-ups, chin-ups at crunches. kamusta naman at ang lalaki ng katawan nung mga taga kabilang klase. kalahat lang ata ng score nila ung amin. tsktsk. pero masaya, hehe. kahit nanliit ako. haha. sa monday, party raw. haha. may food pa. yay!!

at, kanina ko lang nahugasan ang lahat ng mga baso at tasang nagamit namin nung nagstay sa condo iyong mga blockmates ko para mag-analyze ng data. kanina ko lang din naitapon ang basura ko. kanina lang din ulit ako nakakain sa unit. grabe, ang daming oras ang nilamon talaga ng acads..

darating na sa April 4 mama ko. weeeh!! Graduation din ni Utol sa araw na un. yey!!

erratum: hindi pala natapat sa black saturday ang bday ko. Apr 16 pala iyon. hehe. sayang. goodbye araming handa..

kanina, may babaeng humahagulgol sa burgundy. di ako sigurado kung nasa loob ba sya ng unit o ano. basta, dinig na dinig ang pag-iyak nya. nakaktakot. nakakaawa. nakakahawa. nakakpraning..


The Wanderer left this trace at 11:16 pm
blurt it out and  

Next Page